Monday, December 18, 2006

bum ta-rat (1)

yeah, right... ang tagal na naman mula nang maglagay ako ng post dito... hay... ang dami-dami na namang nangyari sa pobreng buhay kong ito, mula nung huling entrada dito. hay... di ko na matiyagang mai-update malimit ang dyaskeng blog na itres... (paumanhin sa salita. sinasadya).

***

ninong
noong ika-22 ng nobyembre, fly ako kasama ang pamilya somewhere in caloocan, malapit sa SM fairview... sa kadahilanang magni-ninong ako sa binyag ng cutie baby girl ng aking girly pinsan (pinsan nga ba? kasi si "insan" ay anak ng anak ng kafatid ng lolo ko sa father's side... whatever).


ay, muntik na kaming ma-lost from SM fairview going to the destination. buti na lang at nakaalpas kami sa urban maze with the not-so-helpful mapa na pinalayo pa kami, eh may mas malapit namang way... oh well, thanks to kuya driver maluwalhati kaming nakarating sa gate ng subdivision ng aking inaanak... ibang istorya pa yung pagpunta sa bahay nila.

ayun... salamat ulit sa mapa, mga n times lang naman kami naglibot sa subdivision para mahanap ang naka-"X" na place. ay naku, nakakaloka. block at lot number lang kasi ang nakalagay kaya kahit yung mga pinagtanungan naming taga-dun, di rin sigurado kung saan. kumbaga sa stat, mga 90% confident. pero wala pa rin eh, kaya nagpasya kaming sa place na lang ni tito't tita (sa parents ni insan) pumunta.

tinawagan na nga ni mama si tito. block 22 lot 21 daw. hay... konting ikot na lang, naisip ko. ikot. ikot. ikot. block 21. malapit na. i k o t pa... ayun nahilo na kami. buti na lang at nakasalubong namin yung isa kong pinsan (first cousin ko) with her friend na hinahanap din kami. at sa wakas, we arrived at the place... na kanina pa pala namin nadaanan... dulot na ata ito ng sobrang pagkahilo, malala.

pagpunta sa simbahan, natapos na ang "lost" spell. pa-convoy effect pa nga kami eh. ayun, at naidaos din ang pagbibinyag ni cutie baby girl, along with 3 other babes. imagine 24 kaming mga ninong at ninang at karamihan ay pawang mga kamag-anak pa. well, talk about very strong family ties. pero out of 24, eh mga sampu lang ata yung dumating. ayun, pichur-pichur chorvah etceterah.

pagpunta sa reception, convoy ulet. wow, and yummy ng food (lagi naman) at nabusog ako nang sobra. nasulit ang hirap namin, hehe. joke lang po! ano ba, i went there for the baby, extra na lang yung food (ows... excuses). 'di, seryoso. ;)

after kumain at tsikahan of sorts, sibat na kami. pumunta pa kasi kami sa mandaluyong, may dinaanan pang something sa office ni mama. at sa wakas... home sweet home na ulet... ;)

parang di ko parin feel maging ninong actually pangalawa ko na 'to. earlier this year kasi nag-ninong din ako ng cutie baby girl ng pinsan ko (first cousin sa mother's side) somewhere in marikina. naku... iba talaga pag bumabata, in demand.

malapit na ang pasko. ninong na na ako. mararanasan rin ko kayang magtago sa mga inaanak? ikaw?


the bellevue experience
hay, grabe. super delayed na 'tong article na 'to. hello, second sem na! ah basta! enjoy ako sa stay ko dun... yun na yun! ;)

pictures to follow... (after 10 years) ;)

[ay, may maikling write-up na pala tungkol dito. ok lang. wish ko maulit ulit yung ganun... ;) ]


tarat't mag-LAKBAY!
how fateful... lakbay... eic??? bigat nun ah... this second sem is really about responsibilities, aside from acads. i guess it means life will be a bit more "colorful" this time, at least. gotta do something now... or else... macho-chorva ako! guyz, need help. just contact me (09284109843) for write-ups, articles, photos or whatever you can contribute (kahit funds, even and inyong sarili) para sa beloved LAKBAY ng ait. salamuch! aja!

***

ano pa ba ang masusulat??? ay, malapit na ang pasko... at bagong taon... ibig sabihin, malapit na ulit ang pasukan! ano ba, ang kj ko! umayos ka nga... hehe...

sUsUnod... my christmas wish list ;)

No comments: