Monday, October 09, 2006

kukurapkurap

hay...nakakatamad... minsan nakakawalang-gana... ewan ko ba...

ilan? halos tatlong buwan... oo, halos tatlong buwan din yun... ang bilis talaga ng panahon...

ganun na katagal yun? ganun ba???

ang hirap. ang hirap mabuhay sa mundong naghahabol ng oras. parang laging nauubusan ng panahon... o kaya'y wala nang panahon para tumigil, umupo, at manood ng paglubog ng araw...

mabilis ang mga pangyayari... parang walang dumaan na reports at exams.dumaan at lumipas lang ang kaarawan na sana'y labis na ninamnam. ang mga oras na inilaan sa pagtambay sa org, parang wala lang... ang magdamag na pamamalagi at ligaya sa otel, natapos sa isang kisapmata. ang pagtipa para sa lakbay sa ma-ulang hapon. ang "maluwalhati't mahalay" na interbyu sa org... kasama na ang mga mataas at mababang punto ng buhay... lahat ay lumipas ng ganun-ganun na lang.

sana... mas ninamnam ko pa... kahit yaong mga hirap, puyat, at kung anu-ano pa.

mahirap talagang maging alipin ng panahon... at ng sistema.

kalayaan. dalisay ba?

(malamang gagamitin ng mga tao sa likod ng site na ito ang impormasyong makukuha nila dito, kung meron man. kaya mag-ingat sa paggamit... lalo na ng e-mail. mahirap na.)

1 comment:

Anonymous said...

jadedjayson.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading jadedjayson.blogspot.com every day.
fast cash
online payday loan