skip to main |
skip to sidebar
bakasyon na talaga!!!***
by the way, about the swimming exam... well, i think i lost it...i remembered well that our instructor scheduled it this morning...excited pa naman akong bumawi. na-late pa nga ako ng kinse minutos. akala ko nagsimula na... tapos...walang tao!!!ano yun!? nagkamali ako sa date? hindi eh. natapos sila agad (magbihis - mag-swimming - maligo - magbihis) in 15 minutes? ang galing naman!!! nataranta na ako sa kaiisip...... nang may dumating na kaklase... at dalawa na kaming nagtataka.dumating din si ate janitress. nakiusap kami sa kanya na itanong kay mang mon (maintenance staff ng pool) kung dumating si sir instructor. ang sagot: isang masaklap na "hindi".hay... wala kaming magawa kundi umusal ng "bahala na!"*update*lumipas ang bakasyon... ang "bahala na", naging tumataginting na 5!
plok... plok [g-a-s-p]blub... blub... bub [g--a--s--p]wiggle. paddle. stroke. kick. [g---a---s---p]float... <breathe>sink a little [g-a-s-p]drown a little [hang on to dear 3 (life)]todayfailed to finish 5 laps breastroke in 10 minutes [only did 4 and 1/2]succeeded treading for 10 minutes [with ocassional touching of the poolside]be back with vengeance on friday... to conquer 5 laps in 10 minutes... and pass my exhausting swimming class.
hay...nakakatamad... minsan nakakawalang-gana... ewan ko ba...ilan? halos tatlong buwan... oo, halos tatlong buwan din yun... ang bilis talaga ng panahon...ganun na katagal yun? ganun ba???ang hirap. ang hirap mabuhay sa mundong naghahabol ng oras. parang laging nauubusan ng panahon... o kaya'y wala nang panahon para tumigil, umupo, at manood ng paglubog ng araw...mabilis ang mga pangyayari... parang walang dumaan na reports at exams.dumaan at lumipas lang ang kaarawan na sana'y labis na ninamnam. ang mga oras na inilaan sa pagtambay sa org, parang wala lang... ang magdamag na pamamalagi at ligaya sa otel, natapos sa isang kisapmata. ang pagtipa para sa lakbay sa ma-ulang hapon. ang "maluwalhati't mahalay" na interbyu sa org... kasama na ang mga mataas at mababang punto ng buhay... lahat ay lumipas ng ganun-ganun na lang.sana... mas ninamnam ko pa... kahit yaong mga hirap, puyat, at kung anu-ano pa.mahirap talagang maging alipin ng panahon... at ng sistema.kalayaan. dalisay ba?(malamang gagamitin ng mga tao sa likod ng site na ito ang impormasyong makukuha nila dito, kung meron man. kaya mag-ingat sa paggamit... lalo na ng e-mail. mahirap na.)