Thursday, April 13, 2006

bored... or just something else

after my enrolment last monday for the summer session, my productivity had gone down. tinatamad lang ba ako o wala lang magawa? ewan.tinamaan na naman siguro ako ng katamaran. lintek! hay... pasukan na naman sa lunes.

***
since i had nothing much to bother myself with, except yesterday when i wired a small portion of our house's roof gutter and removed the lamp post, i delved on the TV, specifically studio23s noontime movies. naka-dalawang araw ako, nung martes at kahapon.

nung martes pinalabas yung "Tinimbang Ka Ngunit Kulang." napanood ko na ito noon, sa studio23 rin, lenten specials naman. iba talaga yung pelikula. malalim. natawa ako at nainis. nariyan ang pusok ng kabataan, kalokohan ng mga "nakatatanda", at ka-ipokritohan ng komunidad. nakakainis yung mga "banal na tagapag-balita" [basa: lintek na tsismosa]. di ako sigurado kung bakit ako naiinis - dahil ba sa talagang nakakainis sila o marahil sadyang totoo at kakabit na ng kulturang Filipino. si junior, berto, at kuala... mga sawi.

kahapon naman, yung "Himala." kakaiba rin. it's more than the cliche "walang hiMALA!" oo. higit pa. nagkamali ako. nakahahabag si elsa. nakakaawa ang mga tao. lahat sila, nag-pUpUtahan - may nagbebenta ng himala, ng aliw, yung isa para sa pelikula nya. pero ang tumatak sa akin yung sinabi nung pari [na ginampan ni joel lamangan]. patawad kung may kaibhan, base na lang kasi ito sa aking pag-alaala. eto:
mahalaga na harapin natin ang katotohanan
pero wag tayong papabulag sa katotohanan
minsan kasi'y hindi ito makatao
minsan mas maganda pa ang kasinungalingan
lalo kung may kabutihan itong maidudulot...
katotohanan man o kasinungalingan
realidad o ilusyon,
ang mahalaga ay kung saan natin ito gagamitin.
hirap mag-comment about the films...
sana makapanood pa ako ng mga ganitong klase ng pelikula. sa mainstream kasi, siyempre komersyalisado na... nakabase ang istorya sa subok na pormula para kumita. ano pa nga ba ang aasahan natin? kung may susugal man, iilan lamang.
ngunit marami na ang sumusubok ibalik ang kahapon. umusbong na ang panahon ng mga indie at digital na pelikula. pinipilit nilang buhayin ang sining ng pelikula na nilunod ng komersyalisasyon. kunsabagay, wala namang maaaring mawala sa kanila. hay... mabuhay kayo!
nakapanghihinayang... di pa ako nakagkakaroon ng pagkakataong makapanood ng ganoon. maliban sa isa...
***
whew... i'm having fun browsing pictures in frienster and myspace! cuteness!...
***
i hope we'll all have a meaningful experience of the lenten season. amen.

No comments: