Tuesday, March 28, 2006

cool, lonely summer

nagtapos na naman ang isang semestre... andito na naman ako sa pinakamamahal kong tahanan... kasama ang pamilya... ayus! family bonding ulet... pero minsan pakiramdam ko... ewan.

minsan talaga, mas gusto ko maging alone, pero di naman lonely. ewan. minsan, o marahil, madalas, mas gusto ko mag-isa. di naman sa ayaw kong may kasama, gusto ko lang talaga. oras para sa sarili, para magmuni-muni sa kung anu-ano. minsan naman, gusto ko ng kasama, [mga] kaibigang pwedeng abalahin nang sandali para makatabi, para makausap nang kahit sandaling panahon. masaya na 'ko dun. sana sila rin. ewan. masyado lang siguro akong nagiging self-oriented. huwag naman sana. di naman siguro...

nakakatuwa. dalawang linggo akong walang pasok. ang daming pwede, o dapat, gawin dito sa bahay. kelangang mga-ayos ng aking kwarto, ilibot yung aming sasakyan paminsan-minsan, linisin at i-tune-up yung bike ko [may alikabok na at medyo mahina na yung brake], linisin etong PC ko. hay... maliban dyan, kung papalarin, sana makakuha na ako ng student driver's license! matagal ko na kasing pinaplano, pero di matuluy-tuloy. sana rin, magka-raket ako ngayong summer, para may panggastos kahit papano kung may kakailanganin ako. hay...

ang sarap talaga dito sa bahay... pero minsan, nakakasawa na rin. kelangan ding lumabas... parang ako. di ako ako dapat palaging nag-iisa. kelangan ding makisalamuha. minsan din, di maiiwasang malungkot pag nag-iisa...

No comments: